Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pfizer nag-apply para sa bakuna – FDA

0 86

Mayroon nang naghain ng aplikasyon sa Food and Drug Administration (FDA) para sa emergency use authorization o EUA ng bakuna sa Pilipinas.

Ipinahayag ito ni FDA Director General Rolando Enrique Domingo sa pinatawag na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte Sabado ng gabi kung saan tinalakay ang banta ng bagong COVID-19 strain na unang naitala sa United Kingdom.

Kinumpirma ni Domingo na naghain ng aplikasyon ang Pfizer, isang American pharmaceutical company, para sa EUA noon pang Disyembre 23, 2020.

Aniya, aabutin ng 21 araw para sa pagsasagawa ng FDA ng ebalwasyon bago aprubahan ang aplikasyon ng Pfizer subalit agad na magsisimula aniya ang pagbabakuna kapag nagkaroon na nito.

Ito ang kauna-unahang kompanya na naghain ng EUA matapos ihayag dati ng FDA na wala pang nag-apply sa kanila para sa COVID bakuna.

Leave A Reply

Your email address will not be published.