Abante Tonite Interactive

PGBDA derby grand opening sa Lunes na — Go, Mabanta

192

Inaasahan na ang pagdagsa ng maraming sabungero sa Pilipinas Gamefowl Breeders Derby Association (PGBDA) 2019 Cocker of the Year series, na may grand opening sa Lunes, Marso 18 sa San Juan Coliseum.

Isang 4-cock derby ang first leg at maaga ang umpisa dahil hindi bababa sa 80 sultada ang nakalinya.

Taya ang P200,000 sa 2019 PGBDA Cocker of the Year at P100,000 sa runner –up habang may day prize sa din bawat una hanggang ikatlong yugto derbi.

“Non -members may also join. The PGBDA adopts an open invitation format in all it’s stag and cock derbies,” pahayag kahapon nina marketing manager William Go at PGBDA president Doc Nino Mabanta.

Mangunguna si Doc Ayong Lorenzo (EDL Excellence), ang 2018 PGBDA Cocker of the Year.

Tinakda sa April 10 ang second leg 4-cock derby na P8,800 ang entry fee at May 8 ang third leg 5-cock derby na may P11,000 entry fee.

Tawagan lamang para sa iba pang mga impormasyon si Mitch sa 725-5369 o 0905-2016057.