Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH apaw na rin sa COVID patient

0 253

Hindi na kayang tumanggap ng Philippine General Hospital (PGH) ng mga ‘critically-ill’ na pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na mula sa ibang health facility.

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, sa kasalukuyan ay 196 COVID-19 patient ang kanilang ginagamot at okupado ng mga ito ang 93% ng 210 bed na inilaan nila para sa naturang respiratory disease.

Nabatid na 90% ng mga kama sa intensive care unit (ICU) ng PGH ay okupado na rin. Ang natitira pang mga bakanteng kama ay nakareserba naman para sa mga pasyente nilang naka-confine sakaling lumala ang kondisyon ng mga ito.

“Hindi po kami makatanggap ngayon ng mga critically ill na galing sa ibang ospital,” ayon kay Del Rosario.

Gayunman, nilinaw ni Del Rosario na tumatanggap pa rin sila ng mga COVID-19 patient na mayroong moderate symptom habang ang mga mild symptom ay inire-refer naman nila sa ibang pagamutan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.