Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH apaw sa COVID patient, ER sinara na

0 106

Pansamantalang isasara ang emergency room ng Philippine General Hospital (PGH) dahil na rin sa pagdagsa ng mga COVID patient sa pagamutan.

Ito ang abiso ng pamunuan ng PGH kung saan 230 lamang ang kapasidad ng ospital para sa may COVID ngunit higit pa rito ang kasalukuyan nilang inaasikaso.

Bukod dito, ang mga COVID patient sa pagamutan ay nangangailangan ng intensive care, oxygen at mga ventilator.

“Malalagay lang sa peligro ang kapakanan ng mga pasyente, at pati na rin ang aming mga kawani, kung ito ay hahayaan naming madagdagan pa,” pahayag ng PGH.

“Sa kadahilanang ito, pansamantalang hindi muna tatanggap ng pasyente ang PGH sa aming emergency room,” dagdag pa nito. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.