Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH bukas uli sa mga COVID patient

0 198

Tumatanggap na muli ang Philippine General Hospital (PGH) ng mga pasyenteng may COVID-19 matapos ang naganap na sunog doon nitong Linggo.

Gayundin, naibalik na ang mga pasyente sa kanilang mga dating higaan habang ang ibang non-COVID patient ay kinailangang ilipat ng lugar dahil amoy-usok pa rin ang dati nilang puwesto.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang ibang serbisyo ng nasabing ospital tulad ng outpatient department, eye center at cancer institute.

Ayon kay PGH Director Dr. Gerardo Legaspi, nasa P60 milyon ang halaga ng naabong hospital equipment.
Posible aniyang abutin nang tatlo hanggang apat na buwan bago bumalik sa full operations ang naturang bahagi ng ospital na apektado ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.