Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH chief nagbabala sa lagpas 3 bakuna vs coronavirus

0 208

Pinayuhan ng isang health expert ang publiko na maging maingat sa pagpapaturok ng higit sa tatlong doses ng bakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay Philippine General Hospital (PGH) director Dr. Gerardo Legaspi, sa ngayon ay hindi pa alam kung ano ang magiging epekto ng mga bakuna kontra COVID.

Maaaring lumabas aniya ang mga data sa kalagitnaan pa o katapusan ng taon kung kaya’t hindi pa batid ang magiging epekto ng apat o higit pang bakuna sa katawan ng isang indibiduwal na nagpaturok nito.

SM food to go Banner Ad

“We don’t know what the effect of four vaccine doses will be, that’s why we really have to be careful because the process occurs within our body and we don’t see it,” sabi ni Legaspi sa panayam ng ANC.

May mga pasyenteng bata aniya na nagkaroon ng kondisyon na tinatawag na “sub sclerosing panencephalitis” makalipas ang isang taon matapos na mabakunahan.

Subalit bibihira lang aniya mangyari ito gayunman kailangan pa ring mag-ingat dahil hindi pa batid ang mga epekto ng bakuna. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.