Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH, Makati Med ‘di apaw sa COVID patient

0 107

Pinag-iingat ng Department of Health(DOH) ang publiko sa mga lumalabas na “fake news” matapos ang ulat na napupuno na umano ng mga COVID-19 patient ang Philippine General Hospital (PGH) at Makati Medical Center (MMC).

Itinanggi ito ng DOH ,kasabay ng paalala sa publiko na beripikahin muna nila ang impormasyon at mga “sources” bago ito “i-share” sa kanilang mga account.

“MMC has already issued a clarification of its carefully managed operations and availability for COVID-19 cases should there be a spike ,there is none,” ayon sa DOH.

“PGH has clarified that being a public service hospital in high demand, it is occupied by mostly non-COVID-19 cases, and is simply advising the public to please coordinate admissions first,” dagdag ng DOH.

Hanggang nitong Sabado,Hunyo 4, nakapagtala lamang ang bansa ng 213 bagong kaso ng COVID-19 infections at may 2,436 aktibong kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.