Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PGH tinigil pagtanggap ng walk-in patient

0 71

Pansamantalang hininto ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagtanggap ng mga walk-in patient para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pasilidad.

Ayon kay PGH spokesperson Jonas del Rosario, kinakailangan na magkaroon muna ng on-line appointment ang mga pasyente bago payagan ang face-to-face consultation sa kanilang mga doktor.

Tinigil din ang clinical rotation ng kanilang 4th year at 5th year medical student.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Del Rosario na bahagi lamang ito ng pag-iingat ng PGH matapos na ma-detect ang isang kaso ng South African variant sa isa sa kanilang COVID 19 patient.

Gayundin, naobserbahan nila ang malaking pagtaas ng kaso ng COVID-19 patient na dinadala sa pagamutan.

Nalaman na ngayong buwan pa lamang ay may 25 health worker sa PGH ang dinapuan ng COVID-19 at 88 medical personnel ang isinailalim sa quarantine matapos ang isinagawang contact tracing. Karamihan sa kanila ay mula sa anesthesia department. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.