Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH 5 vs China sa FIBA Asia

0 60

Unang makakasalpukan ng Gilas Pilipinas Women ang 11-time champion China sa Group B sa pagbubukas ng 29th FIBA (International Basketball Federation) Women’s Asia Cup 2021 sa Prince Hamzah Hall sa Amman, Jordan Lunes simula sa alas-4:00 nang hapon (alas-9:00 nang gabi sa Manila).

May average height na 5-foot-6 at average age na 23-year-old, bumubuo sa national quintet ni coach Patrick Henry Aquino sina Afril Bernardino, Janine Pontejos, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Clare Castro, Ria Nabalan, Mar Prado, Andrea Tongco, Kristin Cayabyab, Karl Ann Pingol, Camille Clarin, at Ella Patrice Fajardo.

SM food to go Banner Ad

Sunod na haharapin ng PH 5 ang 2017 silver at 2019 bronze winner Australia sa Martes ng alas-7:00 nang gabi (alas-12:00 nang hatinggabi sa Manila), at Chinese-Taipei sa Miyerkoles sa kagayang oras. Best finish ng Pinay dribblers ang fourth place noong 1965 at 1984. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.