Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH abangers sa sobrang COVID vaccine ng Canada

0 110

Pumila na ang Pilipinas sa mga bansang interesadong makakuha sa sobrang COVID-19 bakuna ng Canada.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Canada Rodolfo Robles sa press briefing sa Malacañang na sobra-sobra ang supply na bakuna ng Canada para sa kanilang 40 milyong populasyon.

Nasa 180 milyon aniya ang nakontratang COVID-19 vaccine ng Canada.

SM food to go Banner Ad

“There is about a hundred million doses as an excess from Canada and we are being listed among those who are interested to partake of the excess,” ani Robles.

Inaasahan aniyang matatapos ang pagbakuna sa Canada sa kalagitnaan ng huling quarter ng taon kaya binabantayan na ito ng Philippine Embassy para sa magiging sobrang supply ng COVID-19 vaccine. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.