Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH ambassador yari sa umepal na dyowa

0 204

Biglang pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine ambassador sa Saudi Arabia matapos kumalat ang kontrobersiyal na video ng misis nito na ikinakampanya ang isang presidentiable sa mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay DFA Deputy Assistant Secretary for Public and Cultural Diplomacy Gonar Musor, inatasan si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na umuwi sa bansa para sa “home office consultations”.

Iniimbestigahan na aniya ng DFA ang insidente sa Riyadh at muling ipinaalala ni Musor sa kanilang mga personnel hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga nakatalaga sa Foreign Service Post na bawal silang masangkot sa electioneering o anumang aktibidad na may kinalaman sa nalalapit na halalan.

Pahayag pa ng DFA na hindi nito kinukunsinti ang mga aktibidad na labag sa Omnibus Election Code, Overseas Voting Act of 2013 at Comelec-Civil Service Commission Joint Circular No. 001, series of 2016.

Wala pang opisyal na pahayag si Ambassador Alonto kaugnay sa insidente.

Pinuna ng mga netizen ang asawa ni Alonto dahil sa pangangampanya umano nito para kay Ferdinand Marcos Jr.

Sa video na nakalap ng ilang netizen na pinost sa Twitter, makikita ang asawa ng ambassador na may hawak na mikropono at nakikipag-usap sa iba pang taga-suporta ni Marcos sa Saudi.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ng asawa ng ambassador, ang mensahe niya ay para bumoto ang lahat ng OFW sa Saudi sa darating na overseas absentee voting.

Ngunit sa gitna ng kanyang pagsasalita ay inamin nito na sinusuportahan niya si Marcos, na makikita rin sa suot niyang t-shirt.

Nabahala rito ang ilang netizen, dahil bilang asawa umano ng ambassador ay dapat maging neutral ang babae.

“So seeing the wife of the ambassador actively campaigning for Bongbong Marcos is not only unethical, but a threat to neutrality,” sabi ng nag-post ng video na si @13thFool.

Isa rin sa mga pumuna si Colmenares, partikular sa sinabi ng asawa ng ambassador na kung maaari ay landiin diumano ang mga boss para makaboto.

“She can campaign for her candidate but as the wife of our ambassador to Saudi Arabia, to tell our women OFWs, who she called ‘chicks,’ to ‘landiin n’yo ang amo n’yo’ to get permission to vote is downright wrong. Ang daming kaso ng rape at sexual harrassment sa ating mga OFWs dyan,” pahayag ni Colmenares. (Kiko Cueto/Mark Joven Delantar/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.