Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH babangon sa pagbakuna ng 35M frontliner – Palasyo

0 136

Naniniwala ang Malacañang na magiging hudyat ng pagbabago sa laban ng bansa sa COVID-19 pandemya ang pagbabakuna sa mga nasa A4 category o mga economic frontliner.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ceremonial launching ng A4 vaccination rollout sa Mall of Asia sa Pasay City.

“Ang pagbabakuna sa A4 ay masasabi nating game changer sa ating laban dito sa COVID-19. Layunin natin na ligtas na makapaghanapbuhay ang ating mga mangagagawa. Ito rin ang magsisiguro na kahit nandiyan ang coronavirus ay hindi masisira o matitigil ang serbisyo ng ating pamahalaan,” ani Roque.

“Ang okasyon pong ito ay hudyat ng simula ng muling pagbabangon ng Pilipinas dahil ang mababakunahan ngayon ay ang ating A4 workforce,” dagdag ni Roque.

Nasa 35 milyon ang bumubuo sa A4 ayon sa pagtaya ng mga ekonomista kabilang dito ang mga manggagawa sa private at informal sector workers gayundin ang mga self-employed na kailangang magtrabaho sa labas ng kanilang tahanan, at ang mga nagtatrabaho sa private household. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.