Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH babawi hanggang 5-6% ng ‘unemployment’ sa Bayanihan III

0 257

Babawi ang Pilipinas hanggang 5%-6% sa “unemployment” nito kapag nakabili na bakuna sa Covid-19 at dahan-dahang luluwagan na ang mga ‘quarantine lockdowns” sa ilalim ng panukalang Bayanihan III Act.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, batay sa mga ulat, mga 4.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho ngayong 2020 bunga ng mahigpit na mga ‘lockdowns.” Katumbas ito ng 10.4% unemployment, pinakamataas sa nakaraang 15 taon. Bumaba na ito sa 8.5% nitong Agosto matapos luwagan ang quarantine at nakabalik trabaho ang ilan sa kanila.

“Naniniwala akong kapag may bakuna na, babalik tayo sa dating normal at makakabawi hanggang sa 5-6%,” sabi ni Salceda na siyang may-akda ng P302-biltong Bayanihan to Rebuild as One Act III, na ang P75 bilyon ay para sa bakuna, ibang pangkalusugang gamit at iba pang ‘regukatory and fiscal interventions.’

Nakapaloob sa Bayanihan III ang mga sadyang kailangang hakbang para makabangon ang ekonomiya, at magsisilbi itong “booster shot” o ineksiyong pampalakas para mapabilis ang pagbawi. Tinataya ding magbibigay ito ng 1.5% karagdagan sa GDP ‘incremental deficit’ ng bansa, ngunit sadya at lubhang kailangan ito upang tutohanang makapagsimulang makabangon ang bansa sa 2021.

“Pinakamalaking pagkakagastahan ang bakuna (P75B) sa ilalim ng Bayanihan III, bgunit kailangang bilhin na ito ngayon, hindi bukas, para matiyak ang mabisang tugon sa pandemya ng pamahalaang pambansa at lokal, lalo na matapos ang pananalasa ng dalawang bagyo at ang mabagal na pagbawi ng ekonomiya nitong nakarang ‘quarter,’” giit ni Salceda.

Sinabi ng solon na lilikha ang pinondohang bakuna ng ‘herd mentality’ at magpapalakas sa determinasyon ng mga Pilipino na bumawi mula sa dagok pangkaisipan ng Covid-19 at pasulungin ang kanilang buhay. “Pinaka-kritikal na sangkap ang malawakang pagba-bakuna sa ating pagbangon. Magiging parang ‘magic’ ang bisa nito, dagdag niya.

Nagtalaga ang gobyerno ng P3 trilyong uutangin ngayong 2020 at karagdagang P3 trilyon sa susunod na taon, ngunit ayon kay Salceda, batay sa panloob at panlabas ng pananalapi ng bansa, ang bilis at bisa ng ‘stimulus response’ at ‘structural reforms’ nito ang magbibigay hugis at direksiyon sa ekonomiya at buhay ng mga Pinoy pagkatapos ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.