Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH beach handball sa finals

0 26

Muling hinakbangan ng Pilipinas ang Thailand para masiguro ang medalyang pilak sa men’s beach handball sa ginaganap na ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam Lunes.

Tinibag din ng Pinoy handballers sa 2019 PH SEA Games ang silver medalist Thais (2-0), at ‘di pa rin pinaporma ng una ang huli sa shootout tungo sa 2-1 win, 26-21, 22-27, 7-6 sa simula ng double round championship format.

Ang panalo ang nagtulak sa 2019 SEAG bronze winner ‘Pinas sa 3-1 win-loss record at lalabanan sa gold ang wala pang talong defending champion Vietnam. Hindi pa nananalo sa event ang Singapore.

Inialay ni coach Jana Franquelli ang panalo sa buong bansa. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.