Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH bibilhin bakuna ng Russia

0 355

Mag-aangkat ang gobyerno ng sapat na bakuna kontra COVID-19 at hindi aasa sa libreng ibibigay ng Russia.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ianunsiyo ng Russia na mayroon na silang natuklasang bakunang pangontra sa COVID-19.

Ayon kay Roque, bagamat nagsabi ang Russia na bibigyan nila ng bakuna ang Pilipinas, hindi mangangahulugang lahat ng mamamayan ng bansa ay makakakuha nito.

Nakaplano na aniya ang gobyerno na bibili ng 20 milyong bakuna sa sandaling mayroon nang mabibilhan nito.

“Hindi natin inaasahan na completely libre `yan. Ang sabi ni Presidente ay mukhang `yong offer sa kanya ay libre muna, pero hindi lahat malilibre. Tayo naman po ay meron ding plano na mag-angkat ng 20 million vaccines para sa pinakamahirap na Pilipino,” ani Roque.

Samantala, tiniyak ni Roque na handa na ang Department of Health (DOH) para ipatupad ang protocol para sa pagbakuna sa mga Pilipino.

“Meron kasi tayong protocols kung sino ang mauuna, kasama ang frontliners talaga diyan, mga below 59 and above 21 pero tingin ko handa ang DOH na ipatupad ang protocol kapag nandiyan na ang bakuna,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.