Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH bibilhin sobrang COVID vaccine ng Israel

0 200

Posibleng kausapin ng gobyerno ang mga vaccine manufacturer para mabili ang sobrang bakuna na nabili ng Israel.

Tugon ito ng Palasyo matapos ihayag ni Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz na hindi nila maibigay ang sobrang bakuna ng kanilang bansa sa Pilipinas dahil sa kontratang pinasok sa mga vaccine manufacturer.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na posibleng lumapit sila sa mga vaccine manufacturer para payagang mabili ang sobrang bakuna ng Israel dahil sila ang nagtakda ng mga kondisyon.

Ang hangad lamang aniya ng gobyerno ay madagdagan ang suplay ng bakuna upang magtuloy-tuloy na ang vaccine rollout para sa tinatarget na herd immunity ng bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.