Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH billiard team player,9 pa swak sa illegal gambling

0 307

Arestado ang isang sinasabing miyembro ng Philippine Billiards Team at siyam pang katao dahil umano sa pag- susugal at paglabag sa health protocol na ipinaiiral sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City, Linggo ng umaga.

Ang nadakip na atleta ay nakilalang si Edwin Dela Cruz, 30-anyos na residente ng Pasig City. Kabilang naman sa mga pinosasan sina Jesus Dacoro, 52; Mark Anthony Querubin, 34; Brian Bucio, 35; Aevan Gonzal, 29; Batch Merch Obispo, 35; Jun Talosig, 46; Norodin Cervantes, 38; Michael Ubaldo, 33; at Mark Lloyd San Pedro, 36, billiard player din, Ayon sa Quezon City Police District, dinakip ang mga nabanggit dakong alas-5:40 ng madaling-araw (Mayo 9), sa Barwen Restobar sa St. Mary Street, E. Rodriguez.

Matapos makatanggap ng reklamo ang awtoridad hinggil sa illegal gambling activity sa lugar ay agad silang nagsagawa ng police operation.

Dinakip ng mga tauhan ng QCPD-District Special Operation Unit at Cubao Police Station ang mga suspek matapos maaktuhan umano na nagsusugal ng larong billiard at nalalabag ang COVID-19 protocol.

Ang mga nadakip ay nakapiit na sa QCPD-DSOU habang inihahanda ang kasong paglabag sa illegal gambling at health protocols laban sa kanila. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.