Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH, China relasyon matatag

0 341

NANATILING malapit na magkaibigan ang pamahalaan ng Pilipinas at China sa kabila ng 4th anniversary ng UN backed tribunal ruling nitong nakalipas na July 12, 2016 na pabor sabansa kung saan ang China ay walang basehan sa pag-angkin sa South China Sea.

Ito ay nang igiit ng Pilipinas laban sa historical claim ng China sa mga teritoryo sa “nine-dash line” ay sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“That China’s assertions actually “exceed the geographic and substantive limits of China’s maritime entitlements” and the ruling has also reaffirmed that territories in the South China Sea belong to Southeast Asian coastal nations and are entitled to exclusive 200 nautical mile economic zones from their shore baselines,”ayon sa UN.

Nabatid na ang relasyon ng Philippines at China ay pumangit sa mga nakalipas na taon dahil sa sigalot sa maritime sa South China Sea subalit inihayag ni dating Ambassador Alberto Encomienda na malakas ang pagkakaibigan ang kailangan sa halip na sigalutan kung saan sinabi ng mga analysts na ang Pilipinas ay makikinabang mula sa rebuilding bilateral relations ng ekonomiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.