Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH choosy na sa COVID bakuna donation

0 139

Hindi na tatanggap ang pamahalaan ng mga bakuna kontra COVID-19 na malapit nang mapaso o pa-expire na kahit donasyon pa ang mga ito mula sa ibang bansa.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nagtakda na ang pamahalaan ng mga panuntunan kaugnay sa pagtanggap ng mga donasyong COVID bakuna.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga manufacturer para matugunan ang problema ng bansa sa mga bakunang napapaso o malapit nang ma-expire para hindi naman masayang ang mga ito.

“Isa pang sinabi ni Sec Charlie, iyong pakikipag-ugnayan din sa mga donations na dapat maglagay din po tayo, `pag dino-donate sa atin, dapat we have to emphasize na iyong idu-donate huwag iyong near expiry,” sabi ni Nograles kahapon.

“Bagama’t nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga nagdu-donate ‘no, but the reality on the ground also is we also do not want to have masyadong sobrang dami ng supply na palapit na iyong expiration. Iyong pressure mapupunta sa atin,” dagdag ng kalihim.

Maaari naman aniyang palawigin ang `shelf life’ ng COVID bakuna subalit hindi ito puwedeng gawin sa lahat ng bran.

“Nagsalita na si Secretary Charlie Galvez at iyong mga miyembro ng vaccine cluster na there are some vaccines na bagama’t sinasabi ang expiry date ay ganito based doon sa pag-assess nila together with the manufacturer and based sa mga experts ay magagamit pa rin naman po. At mayroon tayong papeles at dokumento na nagsasabi na may permiso naman po na puwedeng gamitin iyan,” ayon pa kay Nograles.

Pahabain oras ng pabakuna

Nanawagan din si Nograles sa mga local government unit na palawigin ang oras ng pagtanggap ng mga magpapabakuna sa mga vaccination center at turukan maging ang mga walk-in o iyong hindi nagpa-schedule.

“Direktiba rin poi yon ng Pangulo [Rodrigo Duterte]. Ang sabi nga niya basta may nakapila pa diyan, nandoon pa sa linya, may nag-aantay pa eh huwag ninyo pong isara ang vaccination sites,” sabi ng kalihim.

Siniguro ni Nograles na aayusin ng pamahalaan ang proseso ng pagbabakuna sa pangalawang yugto ng nationwide vaccination kung saan ay tatanggapin kahit ang mga walk-in.

“Siguro isa sa mga nakikita natin na puwede pa nating ma-improve is doon sa mga walk-ins dahil siyempre sa [ang] mga LGUs mayroon din po ng mga walk-ins na kailangang ma-accommodate natin. Sayang din naman ‘no, dumating na sila sa vaccination sites so dapat magkaroon po tayo ng sistema for walk-ins,” wika ni Nograles. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.