Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH COVID hotspot sa Southeast Asia namumuro

0 466

Nanganganib na maging sentro ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia at mapalitan sa top spot ang Indonesia.

Naging headline pa ito ng pahayagang The Straits Times na nakabase sa Singapore.

Ito’y matapos makapagtala ng pinakamataas na COVID-19 case ang bansa sa loob lang ng isang araw noong Martes sa 6,352, na nagpalobo sa kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa 112,000 mark.

Sa ngayon ang Indonesia ang may pinakamataas na kaso sa Southeast Asia, na mahigit 115,000, kabilang ang 5,388 death toll.

Mahigit doble ang bilang ng mga nasawi sa Indonesia kung ikukumpara naman sa Pilipinas na mayroong 2,115 na nai-record na death toll hanggang noong August 4.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi lang ang Pilipinas ang nakakaranas ng mataas na kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Inihayag ito ni Roque matapos makapagtala ng 6,352 na bagong kaso ng COVID-19 noong Martes o sa unang araw ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan.

Sinabi ni Roque na hindi inaasahan ang ganito karaming kaso ng COVID-19 sa isang araw subalit ganit rin ang nararanasan ng maraming bansa sa buong mundo.

“It has been experienced by an overwhelming majority of countries worldwide. It’s not just in the Philippines,” ani Roque.(Issa Santiago/Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.