Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH COVID sasampa na ng 1M

0 155

Inaasahang lalagpas ng isang milyon ang mga kaso ng COVID-19 infection sa Pilipinas ngayong Abril.

Ito’y matapos na makapagtala ng 8,162 bagong kaso nitong Linggo, Abril 25, dahilan para umakyat sa 997,523 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base pa sa COVID-19 Case Bulletin No. 407 ng Department of Health (DOH), nakapagtala naman ng 20,509 bagong gumaling dahilan para umakyat sa 903,665 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus.

Nasa 109 pasyente naman ang iniulat na nasawi kaya umabot na sa 16,783 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa virus.

SM food to go Banner Ad

Samantala, bumababa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng 77,075 nitong Linggo.

Noong Sabado, Abril 24, ay 89,485 ang naitalang aktibong kaso.

Ipinahayag ng DOH na sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga nahawa ng COVID-19 ay hindi pa umano ganap na makikita sa ngayon ang epekto ng enhanced community quarantine. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.