Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH COVID variant binabala ng UP expert

0 193

Malaki ang posibilidad na magkaroon umano ng sariling COVID-19 variant ang Pilipinas kung hindi agad mapipigilan at patuloy na tataas ang kaso nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa virtual press briefing nitong Sabado, sinabi ni Dr. Marissa Alejandria, director ng University of the Philippines (UP) Institute of Clinical Epidemiology, may potensiyal na magkaroon ng COVID-19 variant ang Pilipinas kung walang kooperasyon ang publiko para mabawasan ang kaso ng hawaan ng virus.

“Gusto ko lang po sabihin na may possibility na magkakaroon din ng Philippine variant. Pero ‘yung possibility na ‘yon ay mangyayari lang if the cases are many kasi ang virus, kailangan niya ng host para siya mag-mutate. So it is very, very important for us na talagang ibaba natin yung ating mga cases dito sa Pilipinas,” giit pa ni Alejandria, miyembro ng Department of Health (DOH) Technical Advisory Group on COVID-19 variants. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.