Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH COVID variant tinawag na ‘Theta’

0 328

Binansagang “Theta” ng World Health Organization (WHO) ang P.3 variant ng coronavirus disease na unang na-detect sa Pilipinas, ayon sa Philippine Genome Center.

Noong Lunes inanunsyo ng WHO na gagamit ito ng mga Greek alphabet upang pangalanan ang iba’t ibang COVID-19 variant.

SM food to go Banner Ad

Ito ay matapos umalma ng India nang tawaging “Indian variant” ang B.1.617.2.

Unang na-detect ang P.3 sa Pilipinas noong Enero 2021 at nananatiling nasa “variants of interest”.

May mga pangalan na rin ang iba pang COVID variant: United Kingdom/B.1.1.7 (Alpha), South Africa/B.1.351 (Beta), Brazil/P.1 (Gamma) at India/B.1.617.2 (Delta). (Issa Santiago

Leave A Reply

Your email address will not be published.