Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Cup abangers sa IATF basbas

0 129

Lahat ng paraan, ginagawa ng PBA para maging maayos at matagumpay ang 46th season kapag pinayagan nang magbukas ng IATF.

Aminado si commissioner Willie Marcial na banta pa rin ang pandemic na posibleng makadiskaril sa dalawang conference na nakalinya ngayong taon – Philippine at Governors Cups.

“Handa tayo para sa anumang eventuality,” paniniguro ni Marcial Martes. “Of course, hindi natin ma-predict lahat pero just in case, nakahanda tayo.”

Magkakaroon ng linaw ang opening kapag tinalakay na ng Inter-Agency Task Force ang letter-request ng liga na Lunes ng nakaraang linggo pa isinumite sa ahensiya.

“Akala ko nga last week tayo ipapatawag, kasi sinabihan tayong i-ta-tackle agad ‘yung request natin sa next meeting nila,” dagdag ng PBA chief.

Plano ng liga na pagkatapos ng all-Pinoy, isang linggong break lang bago isunod agad ang import-laden Governors Cup para matapos ang season sa January.

“In any case, mag-pe-present tayo sa kanila (IATF), ‘yung mga ginawa natin sa practices at ‘yung last year sa (Clark) bubble na walang aberya. Pati protocols na susundin natin,” panapos na wika ng opisyal. “Sana mapayagan na tayo.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.