Abante Tonite Interactive

PH Cup Finals ‘di scripted — Santos

475

Mariing tinanggi ni San Miguel Beer forward Arwind Santos ang mga alegasyon ng ilang PBA fans na ‘scripted’ umano ang PBA Philippine Cup Finals nila ng Pambansang Manok .

Napuwersa ng Beerman ang Game 7 laban sa Hotshots nitong Linggo ng gabi, 98-86 kaya naman naghinala ang mga fan na ‘scripted’ na ang tapatan.

Suspetsa pa ng ilang fans ay parehas na nakikinabang ang dalawang panig dahil sister-teams ang mga ito.

“Scripted? ‘di siguro,” pahayag ni Santos sa SPIN.ph pagkatapos ng Game 6 sa Smart Araneta Coliseum.

“Hindi natin maiiwasan yung mga taong ganyan, nag-iisip kasi sila, sabi nila same company, ‘di ganun eh. ‘Di naman sila yung nasa posisyon namin. Di nila nakikita yung pang-araw-araw namin, kung ano ginagawa namin.”

Ilan na rin sa mga basketball player at team official ang tumanggi sa alegasyon bago pa magsimula ang best of seven series. Pero binuhay ng ilang fan sa socmed dahil umabot ng Game 7. (Janiel Abby Toralba)