Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Cup kaya ng 3 buwan – Marcial

0 264

Lahat ng paraan ay pinag-aaralan ng PBA para ma-salvage ang 45th season kahit sa pamamagitan ng Philippine Cup lang.

Unang target na matapos ang all-Filipino sa January.

Pero mukhang mahihirapan na naman sa unang plano na umpisahan ang restart ng mid-October dahil na-delay muli ang balik-workout pagkatapos isailalim sa MECQ ang Metro Manila bunga ng coronavirus pandemic.

Isa sa pinag-aaralan ni commissioner Willie Marcial at ng kanyang staff ang pag-iiba ng format.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa halip na tatlo, pinag-iisipan nilang gawing apat na playdates sa isang linggo. Base sa kuwenta, kayang tapusin ang torneo hanggang January.

“Kapag apat na araw tayong naglaro, labing-anim na laro isang buwan,” paliwanag ni Marcial. “Mahahabol natin ‘yung schedule, ‘yung timeline na matapos tayo by the third week of January.”

Titignan muna ang sitwasyon sa mga susunod na linggo.

Inaasahang ili-lift na ang MECQ sa Metro, ibabalik sa mas relaxed na GCQ o MGCQ at papayagan nang magbukas ang practice facilities.

Sasailalim muna sa mandatory swab testing ang players, sa huling linggo ng Agosto ay puwede nang mag-workout. Kasunod nito ang scrimmages, at sa mid-October ay puwede nang bumalik ang mga laro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.