Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Cup tuloy – Marcial

0 259

Na-delay muli ang balik ng PBA players sa practice facilities pero positibo si commissioner Willie Marcial na matutuloy rin ang Philippine Cup.

Ibinalik sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila, isasara muli ang gyms kaya hindi muna itutuloy ang balik-workout sana ng players sa susunod na linggo.

Ipinagpaliban din ng PBA ang swab testing sa players na requisite sa joint administrative order ng IATF para makabalik sa ensayo. Dapat ay Aug. 6-7 ang tests sa Makati Medical Center, unang iniskedyul ang balik-ensayo ng Aug. 10 o 11.

Kasunod na sana nu’n ang full contact team scrimmages, bago ang pagbabalik ng Philippine Cup ng late-September hanggang mid-October.

“Okay pa naman tayo,” ani Marcial. “Kaya pa naman nating tapusin ‘pag nag-umpisa ng kahit mid-October.”

Iniurong ang swab testing at balik-workout, damay pati ang scheduled restart ng conference na tinigil noong March 11 dahil sa coronavirus. Nakakaisang laro pa lang sa season sa opening day noong March 8.

Sa kabila ng optimistikong pananaw, aminado si Marcial na kailangan pang timbangin ang sitwasyon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.