Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Cup tuloy sa Pampanga

0 302

Hindi na puwedeng ituloy ang mga laro ng PBA Philippine Cup sa Lipa dahil nasa GCQ with heightened restrictions din ang lalawigan ng Batangas.

Posibleng ibalik pansamantala ng liga ang mga laro sa Pampanga habang nasa ECQ ang Metro Manila hanggang Aug. 20.

“Nilalakad na namin Pampanga,” tugon ni commissioner Willie Marcial nang hingan ng update Lunes ng hapon.

Nagtayo ng bubble sa Clark ang PBA noong isang taon, ginanap ang all-Filipino sa AUF gym. Umabot sa P65m ang ginastos ng liga sa higit dalawang buwang bubble.

Aprubado sa coaches kahit saan maglaro, matuloy lang.

“Coming into the season, we were already aware of the uncertainties on the situation,” pahayag ni Phoenix mentor Topex Robinson.

Si Chito Victolero, inihanda na ang kanyang Magnolia sa puwedeng mangyari sa season bago pa sumiklab ang mga laro noong July 16 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

“Sometimes baka matigil nga, tulad sa (Clark) bubble na natigil tayo,” aniya.

Si coach Chot Reyes, nagsabi ring lalaro sila kahit saan dalhin ng PBA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.