Abante Tonite Interactive

PH ‘di lang si Ratliffe ang aabatan vs SoKor

DEPENSA MILITAR!

1,568

Jakarta — ‘Di lang si dating Philippine Basketball Association import Ricardo Ratliffe ang nasa radar ni Philippine men’s basketball team head coach Joseller ‘Yeng’ Guiao kapag nakasalpukan sa ihahayag pang oras sa Lunes ang South Korea dito sa punong lungsod ng Indonesia.

Sumasabak bilang naturalized player na sa reigning Asian Games champions SoKor ang dating Star (ngayo’y Magnolia) reinforcement at isa sa inaasahan sa team, kayod ang 6-foot-8, 29-year-old ng 21 points sa anim na may dobleng pigura sa hukbo niya nang pulbusin noong Lunes ang Thailand, 117-77.

Sa pagwalis sa three-game elims Group A, nag-average ang Amerikano ng 23 pts. at 13 rebounds, kaya giniit ni national coach Guiao ang grabeng depensa upang mahakbangan ng mga Filipino ang mga Koreano sa knockout quarters.

“We just have to prepare hard,” giit ni Guiao dahil sa matinik sa shoo­ting na karibal. “Korea is getting balanced contributions.”

Pero kaya aniya ng Rain or Shine-led PH quintet na makipagsabayan sa taas sa mga Koreano.

“The best thing about Korea is they’ve been so patient running their plays. They rely on their ball movement and would wait for an opportunity to break down the defense and attack it,” hirit niya.

Sa group prelims games, ‘di nababa sa 40% ang bitaw sa 3-point arc ng Korea. Kontra nga Thais, bumakbak ito ng 47% sa likod ng 15-of-32.

Isa sa mga sniper nito ang nakatakdang umedad na 27-anyos na si Jeon Junbeom, pumukol ng 5-of-8 sa labas ng arko sa blowout victory sa Thailand tungo sa 20 pts. Naka-16 markers siya laban sa Mongolia (108-73) sa 4-of-6 treys.

Markado rin sa Filipino hoopster sina 6-foot-1 guard Heo Ung na kahit bagong salta pa lang sa team, nagpapakabibo na rin patunay ng 12 pts. per game, kabilang 3-for-3 sa tres laban sa Thais.

Narito pa rin sina 6-foot-5 Heo Ilyoung at Lee Junghyun, ang dalawang naiwan sa 2014 squad na may 13 at 11.6 pts. na average sa team, ayon sa pagkakasunod.