Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH `di mauubusan ng doktor, nurse – Palasyo

0 58

Kumpiyansa ang Malacañang na mapupunan ng mga bagong graduate sa medisina ang kakulangan sa doktor at nurse ng Philippine General Hospital (PGH).

Kasunod ito ng pagbibitiw ng 10 volunteer doctor at ilang nurse sa PGH habang nasa kasagsagan ang bansa sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na patuloy ang pagtanggap ng Department of Health (DOH) ng mga bagong aplikante para sa posisyon ng mga medical professional at volunteer doctor.

“Patuloy po ang recruitment ng ating DOH para sa mga medical professionals na either volunteer o magsusuweldo po,” ani Roque.

“Pagdating naman sa mga doktor, ginagawa natin ang lahat para magsipagtapos iyong ating mga doktor at magkaroon ng examination para hindi na po tayo maubusan ng mga doktor,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.