Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH ‘di papayagang gawing basurahan ng ibang bansa -Malakanyang

0 87

Hindi papayag ang gobyerno na gawing tapunan ng basura ng ibang bansa ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng ulat na may itinapon umanong human waste sa ilang bahagi ng West Philippine Sea.

“Wala pa pong verification at ‘yan po unangginagawa natin, bine-verify natin dahil hindi naman dapat nagre-react ng wala pang verification. We only react to facts,” ani Roque.

Kung may katotohanan aniya ang report ay hindi hahayaan ng gobyerno na gawing tapunan ang Pilipinas gaya ng insidente nakalipas na administrasyon kung saan pinabalik ng gobyerno ang basura ng Canada.

“Pero kung totoo po ‘yan, eh nong minsan pinabalik natin ang basura ng Canada. Hindi po tayo pumapayag na tapunan ang Pilipinas, ni minsan hindi tayo po pumayag sa administrasyon ni Pangulong Duterte,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.