Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH halos P11 trilyon na utang

0 293

Umabot na sa P100,825.69 ang utang ng bawat Pilipino, sanggol man o matanda, kung paghahatiin sa 109 milyong Pilipino ang pagkakautang ng pamahalaan.

Ayon sa Bureau of the Treasury (BTr), umabot na sa P10.99 trilyon ang utang ng national government noong Abril.

Sabi ng BTr, P2.39 trilyon ang nadagdag sa utang ng pamahalaan sa loob lamang ng isang taon. Noong Abril 2020, nasa P8.6 trilyon pa lamang ang utang

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil bumagsak ang koleksyon ng buwis, sa pangungutang umasa ang pamahalaan para sa mga pangtustos nito.

Ayon sa BTr, P3.2 trilyon ang utang sa mga dayuhan at P7.8 trilyon naman ay sa loob lamang ng bansa inutang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.