Abante Tonite Interactive

PH-Iceland diplomatic ties, pinatutuldukan ni Marcos

383

By Shane Juan

Iminumungkahi ni Senator Imee Marcos sa gobyerno ng Pilipinas na agad putulin ang “diplomatic ties” nito sa Iceland.

Bilang ganti umano ito sa natu­rang bansa sa Europa na naghain ng resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para im­bestigahan ang human rights situa­tion sa Pilipinas dahil sa mga alegasyon ng pang-aabuso sa drug war ng pamahalaan.

“A strong statement is in order that the values and political agenda of othe­r countries, many of them deve­loped countries like Iceland, cannot be imposed on an independent country like the Philippines,” giit ni Marcos.

Pinuna naman ng senadora ang hayagang “state-sponsored” abortion o pagpapalaglag sa developed countries na pagpapakita aniya ng kanilang baluktot na pagpapahalaga sa buhau at double-standard morality.

“They point anger at the Philippines for alleged human rights violations, yet they justify the killing of defenseless, unborn children,” ani Marcos.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Marcos na hindi dapat manghimasok ang ibang bansa at basta na lang dikta­han ang Pilipinas sa pagpapatupad ng batas halimbawa sa krusada kontra iligal na droga.

“Due process may seem slow in investigating alleged human rights violations, but the rule of law prevails and has not been set aside,” dagdag pa ng senadora.

Matatandaan, Huwebes, Hulyo 11, sa botong 18 ang pumabor sa Iceland resolution sa UNHRC; sa 47 member-states ng konseho 14 sa kanila ang kumontra at 15 ang nag-abstained.