Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH kasado sa `cashless society’

0 238

Nakahanda ang Pilipinas sa mga pagbabagong dala ng teknolohiya para sa kaligtasan ng mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang reaksiyon sa ulat na pang-anim ang Pilipinas sa mga bansang pabor na magpatupad ng cashless transaction para makaiwas sa COVID-19.

Aniya, may mga hakbang na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na huwag ng gumamit ng barya dahil ang virus ay nagtatagal ng ilang araw sa mga ito.

May mga lokal na pamahalaan na rin aniya na gumagamit ng cashless transaction katulad sa Baguio City.

“Pang-anim nga po tayo sa digital ranking at iyan naman po ay patunay na we can readily make the shift to a cashless society dahil alam natin na iyong pisikal na pera ang isa sa pinakamalakas na magkalat ng COVID,” ani Roque.

Gayunman, hindi masabi ni Roque kung kailan ganap na maipatupad sa buong Pilipinas ang cashless transaction na ginagawa na ngayon sa ilang mga bansa sa Asya.

Batay sa survey ng Money Transfers.com, ang India ang nangunguna sa listahan ng 21 bansa na pabor sa pagiging cashless society.

Kabilang din sa listahan ang Malaysia, United Arab Emirates, Indonesia, Vietnam, Singapore, Italy, Philippines, Thailand at Taiwan. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.