Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH mabagal sa COVID test – WHO

0 214

Ang mabagal na paglabas ng resulta ng COVID test ang isa sa mga dahilan ng pagdami ng mga tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni World Health Organization (WHO) County Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe sa press briefing sa Malacañang.

Sinabi ni Dr. Abeyasinghe na bago pa man mailabas ang resulta ng COVID test ay nahawa na ng virus carrier ang iba lalo na sa mga nasa bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“What we are seeing from early on in the increase that we are seeing now is that due to delays in confirmation of diagnosis. We find that many people in the same household are already infected by the time diagnosis is confirmed,” ani Dr. Abeyasinghe.

Para aniya maiwasan ang pagsisiksikan sa mga ospital, pinayuhan ng WHO ang gobyerno na agad i-quarantine ang mga nagpositibo sa COVID-19 subalit asymptomatic at ilipat sa mga isolation facility para hindi na makahawa pa ng mga kasama sa bahay.

“It is best that such people are quarantined in TTMFs and this needs to happen rather fast because of the increased transmissibility of these new variants which we believe are circulating in the NCR and particularly in parts of Marikina,” ayon pa kay Dr. Abeyasinghe. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.