Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH makakalaya rin sa pandemya – Duterte

0 73

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakalagpas ang bansa at mga Pilipino sa mga pinagdaraanang pagsubok na hatid ng COVID pandemic.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang pre-recorded Independence Day mes­sage kasabay ng ika-123 paggunita sa Araw ng Kalayaan.

“I join the entire Filipino nation in celebrating the 123rd anniversary of the proclamation of the Philippine In­dependence. With their noble example inspiring us, we look forward to a brighter future filled with hope that we will overcome the challenges brought by this pandemic,” anang Pangulo.

Ang mga pinagdaanang pagsubok aniya ang nagpalakas sa sambayanan para maging mas matatag bilang isang bansa at malagpasan ang mga pinagda­raaanang krisis gaya ng ginawa ng mga ninunong bayani. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.