Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH may 256 bagong kaso ng COVID variant

0 151

Panibagong 256 kaso ng mga COVID-19 variant ang na-detect sa bansa, batay sa genome sequencing report ng Department of Health, University of the Philippines-Philippine Genome Center at UP National Institutes of Health.

Ang dalawang kaso ng Delta variant ay mga balikbayan o returning overseas Filipino (ROF) na may travel history sa Saudi Arabia at kapwa dumating sa Pilipinas noong May 29, 2021. Subalit nakarekober na umano ang mga ito.

Sa 132 Alpha variant case na na-detect, 125 ay local case, isa ang ROF habang anim ay bineberipika pa kung local case o ROF. Sa naturang bilang ay 15 ang pumanaw habang 117 ang nakarekober na.

SM food to go Banner Ad

Samantala, sa dagdag na 119 Beta variant case, 111 ay local case, dalawa ang ROF at anim ang bineberipika pa. Mayroon namang 104 ang nakarekober na habang 12 ang namatay.

Ang tatlong dagdag na Theta variant case naman ay local case at mga nakarekober na. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.