Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH may pag-asa basta pumili ng tama – Lacson

0 42

Hinimok ni presidential candidate Panfilo `Ping’ Lacson ang sambayanang Pilipino sa huling araw ng kanyang pangangampanya na piliin kung sino ang karapat-dapat na maging presidente ng bansa para na rin sa kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

“Nananawagan ako sa inyo. Inaanyayahan ko kayo na maglunsad tayo ng isang rebolusyon. Hindi po rebolusyon na tulad ng pinaglaban ng ating mga ninuno, ng ating mga bayani. Ito po ay isang tahimik na rebolusyon kung saan ang ating gamit ay ang ating mga panulat upang i-shade sa balota ang mga pangalan ng mga dapat at karapat-dapat na mamuno sa ating bansa,” mensahe ni Lacson sa kanilang grand rally sa Carmona, Cavite nitong Biyernes ng gabi.

Aniya, hindi maaaring magkamali sa pagboto ang mga tao dahil nakasalalay sa halalan ang kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

“Ang nakasalalay po dito ay buhay ng ating mga anak, at magiging anak ng ating mga anak. Ang susunod na henerasyon ng Pilipino, sa kanila po natin ialay ang ating boto,” sabi ng batikang senador.

Bilang marka ng pagtatapos ng 90 araw niyang pangangampanya, idinaos ang miting de avance ni Lacson sa Cavite na kanyang lalawigan. Matatandaan na dito rin ginanap ang proclamation rally nila kasama ang mga senatorial candidate.

Leave A Reply

Your email address will not be published.