Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH nangulelat sa COVID-19 performance

0 255

Kabilang umano sa mga kulelat ang Pilipinas matapos itong maitala na ika-79 sa listahan ng 98 bansa sa buong daigdig pagdating sa pagtugon at paghawak sa mga kaso ng COVID-19.

Ayon sa pag-aaral ng Lowly Institute, nakakuha ng gradong 30.6 ang Pilipinas base sa anim na batayan sa nakalipas na 36 na linggo kasunod ng naitala nitong ika-100 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Kabilang sa mga basehang ito ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus, bilang ng mga nasawi, kumpirmadong kaso sa bawat milyong tao, kumpirmadong nasawi sa bawat milyong tao, kumpirmadong kaso sa proporsyon at pagsusuri kada 1,000 tao.

Samantala, nasa ikalawang puwesto naman ang Vietnam na may gradong 90.8 at pang-apat ang Thailand na nakakuha ng gradong 84.2 sa mga bansa sa Southeast Asia na pinakamahusay sa pagtugon sa kaso ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa ika-13 puwesto ang Singapore na may gradong 74.9; Malaysia, ika-16 sa gradong 71; at Myanmar, ika-24 sa gradong 62.3.

Bumagsak naman sa ika-85 puwesto ang Indonesia na may gradong 24.7.

Wala namang naitalang datos ang Brunei, Cambodia, Timor-Leste at Laos.

Wala rin sa listahan ang China na siyang pinagmulan ng COVID-19 noong Disyembre ng 2019 dahil sa kakulangan ng isinapublikong datos sa kanilang pagsusuri.

Samantala, nangunguna naman sa pinakamahusay tumugon sa kaso ng COVID-19 ang New Zealand at Taiwan. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.