Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH Navy: Chinese vessel sa Recto Bank iprotesta

0 361

Kinumpirma ng Philippine Navy na may Chinese survey ship sa Reed Bank o Recto Bank, at lumalabas na research ang kanilang pakay sa lugar.

Gayunman, bigo ang mga awtoridad na makapunta sa Reed Bank para alamin ang presensya ng mga Chinese survey ship. Ayon kay Philippine Navy chief Vice Admiral Giovanni Bacordo, hindi nakarating ang barko ng Pilipinas dahil sa lakas ng alon at hangin dulot ng ulan at habagat. Nauna nang hiniling ng opisyal sa Department of Foreign Affairs na magsampa ng diplomatic protest kaugnay sa insidente.

“We would like to conclude that indeed they are conducting surveys because they have been there for about a week already, and the speed is something less than 3 knots – you are only doing that if you are conducting actual surveys,” sinabi ni Bacordo.

Sa 2016 arbitral tribunal ruling na napanalunan ng Pilipinas sa The Hague, lumalabas na ang Reed Bank ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas, at ang bansa ang may karapatan sa mga natural resources nito.

Itinutulak ng China ang joint exploration sa Reed Bank na mayaman sa oil at natural gas deposit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.