Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH nganga sa mga Ingleserong politiko – Pacquiao

0 334

Binatikos ni Senador Manny Pacquiao ang ilang lider ng bansa na aniya’y magaling lang sa wikang English para magpa-impress subalit wala naman naitulong sa taumbayan.

“Marami sa atin na galing-galingan. Ang tawag ko diyan is pretentious genius leader, samantalang kawawa ang mahihirap na tao,” pahayag ni Pacquiao sa isang panayam na ibinahagi ng kanyang tanggapan sa mga reporter.

Ayon kay Paquiao, mas kapaki-pakinabang ang isang politiko kung may maitutulong ito sa mga mamamayan at hindi puro dada lamang.

“Useless ang pagiging politician ko kung wala akong magagawa. Maging katulad ako doon sa mga trapong politician, useless,” sabi ni Pacquiao.

“Gusto ko habang nandito pa ako sa politika, gusto kong iayos para sa kapakanan ng mga mahihirap na tao kasi doon ako galing,” sambit pa nito.

Tinalakay din ni Pacquiao ang iba’t ibang hindi nasosolusyunang problema ng bansa tulad ng kakulangan ng pondo para suportahan ang napakalaking taunang paggastos ng pamahalaan.

“Common sense ang problema ng bansa natin. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip natin. Tayo ba ay may utak o wala? Sorry emotional lang ako ha,” sabi ni Pacquiao.

Para kay Pacquiao, ang pinakamahalagang lider ay iyong kayang resolbahin ang mga problema ng bansa.

“And this pretentious genius politician, trying to speak good English, perfect English to impress people and that’s what happens to this country,” dagdag pa ni Pacquiao, bagong presidente ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.