Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH No 1 sa laki ng inutang kontra pandemya – World Bank

0 57

Nangunguna ang Pilipinas sa listahan ng mga may malalaking inutang sa World Bank (WB) para sa fiscal year 2021.

Ayon sa WB Annual Report, nangunguna ang Pilipinas sa laki ng utang noong nakaraang taon na umabot sa $3.068 billion o mahigit P300 bilyon. Pangalawa umano ang India na ang inutang sa WB ay nasa $2.648 bilyon noong 2020.

Pangatlo naman ang Indonesia na ang inutang sa WB noong nakaraang taon ay $2.2 bilyon.

Ang iba pang nasa top 10 na nangutang sa WB noong 2020 ay Morocco, $1.8B; Mexico, $1.745B; Turkey, $1.5B; Colombia, $1.35B; Brazil, $1.325B; Argentina, $1.242B; at China, $1.23B.

Nagbukas ang WB ng tinatawag nitong COVID-19 fast track facility noong nakaraang taon para makapagsagawa ng mga emergency project sa Cambodia, Laos, Papua New Guinea at sa Pilipinas upang makabili ng mga medical at laboratory supply, mag-training ng mga medical staff at palakasin ang mga national public health system.

Tumulong ang WB sa Pilipinas sa pagbili at pamamahagi ng mga COVID-19 vaccine, testing at mga gamot.

Sa kabila ng pagiging number 1 ng Pilipinas sa pangungutang para sa COVID19, kulelat naman ito pagdating sa pagresponde sa pandemya.

Pinakakulelat umano ang Pilipinas sa Bloomberg COVID Resilience Ranking kung saan 53 na bansa o ekonomiya ang sinuri nito. Kulelat din ang Pilipinas sa Nikkei COVID-19 Recovery Index kung saan 121 na bansa o ekonomiya ang pinag-aralan nito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.