Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH pagpipiyestahan sa Sara-Digong 2022

0 97

Maituturing na ligal sakaling tumakbo ang mag-amang Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil walang restriksyon dito sa ilalim ng Saligang Batas.

Subalit ang resulta umano nito ang magdudulot ng kasiraan sa bansa at hindi malayong maghatid ng negatibong impresyon sa international community, ayon sa isang political analyst.

Sinabi ni University of the Philippines (UP) professor at batikang political analyst na si Mon Casiple, tiyak na pagpipiyestahan sa buong mundo ang Pilipinas kapag nangyari ang Duterte-Duterte tandem.

“Isang ploy man o hindi ang pagpapalutang nito, para sa aking pananaw ay hindi dapat ituloy ang tandem na ganito na mag-ama ang hahawak ng pinakamataas na posisyon sa gobyerno. Hindi ko sinasabi na bawal ito kundi dahil hindi ito kanais-nais at taliwas sa kultura ng Pilipinas at maging sa buong mundo,” paliwanag ni Casiple.

Samantala, kumbinsido si Casiple na tatakbo sa presidential election si Mayor Sara at ito’y ipinahihiwatig umano ng kanyang pag-iikot sa mga lalawigan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.