Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH pumalo init sa 48 degrees Celsius

0 238

Umabot sa 48 degrees Celsius ang naitalang init ng panahon sa ilang bahagi ng bansa nitong Biyernes.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala umano ng 48 degrees Celsius sa heat index ay ang Dagupan City, Pangasinan at sa Sangley Point, Cavite.

Batay umano sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ay nasa 17 lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index nitong linggo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang ibang lugar ay nakapagtala naman ng 47 degrees Celsius katulad sa Ambulong, Batangas at Aparri, Cagayan.

Ang iba katulad sa Iba, Zambales, Masbate City at sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City ay nakapagtala ng 44 degrees Celsius.

Itinuturing na mapanganib na ang heat index na lampas 40 degrees Celsius na maaaring magkaroon ng epekto sa katawan ng tao.

Ngayon taon umano ay sa Dagupan City sa Pangasinan pa lamang naitala ang pinakamataas na heat index na umabot ng 53 degrees Celsius noong Mayo 14. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.