Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH pumalo sa P339B binayarang interes sa utang

0 114

Nasa P47.9 bilyon ang ginastos ng pamahalaan na pambayad pa lamang sa interes ng mga utang nitong Setyembre 2021.

Mas malaki ito ng 10% kaysa sa P43.4 bilyong binayarang interes sa mga utang noong Setyembre 2020, ayon sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr).

Mula Enero hanggang Setyembre, umaabot na sa P339.35 bilyon ang ginastos ng pamahalaan para bayaran ang interes sa mga utang.

Sabi ng BTr, kapos ang panggastos ng pamahalaan ng P180.9 bilyon noong Setyembre dahil P232.4 bilyon lamang ang nakolekta nito mula sa mga buwis samantalang P412.4 bilyon naman ang gastusin nito.

Samantala, simula Enero hanggang Setyembre, umabot na sa P1.14 trilyon ang budget deficit ng pamahalaan.

Ngayong taon, nakikinita ng administrasyong Duterte na aabot sa P1.86 trilyon ang budget deficit, higit na mas malaki kaysa sa P1.37 trilyon na naitala noong 2020. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.