Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH, Russia sanib-puwersa vs coronavirus

0 1,121

Matapos ang kalahating oras na pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin sa telepono nitong Martes ng gabi, nagkasundo ang dalawang lider na na magtutulungan para malabanan ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Palasyo, muling pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment para palawakin ang kooperasyon ng Pilipinas at Russia kasabay ng ika-45 anniversary ng diplomatic relation ng dalawang bansa.

Pinasalamatan ng Pangulo ang Russian Federation President sa hangarin nito na palakasin ang pakikipagtulungan para malutas ang COVID pandemic at magamit ang Sputnik V ng Russia sa maraming bansa sa mundo.

Nakatakdang bumili ang gobyerno ng 20 milyong dose ng Sputnik V sa Russia at nagkasundong pabibilisan ang global production ng bakuna para matugunan ang kakapusan ng vaccine supply sa buong mundo.

“President Duterte and President Putin underscored the need for continuing and strengthened collaboration ng defeat the COVID-19 pandemic,” anang pahayag ng Malacañang. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.