Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH sapol na ng krisis sa agrikultura — Incoming NEDA chief

0 71

May krisis na sa agrikultura sa bansa, ayon kay incoming National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan.

Sa isang panayam sa telebisyon, natanong si Balisacan kung nakararanas na ba ang bansa ng food crisis o nakaamba pa lamang ito.

“Food crisis have risen already and as you know the Avian Flu disease problem has been with us that has led to crippling price increases of meat. Rice prices have also been a problem… while the rice tariffication has brought down the prices quite a bit, they are still high and the issues that concern farmers, the low profitability of rice farming, agricultural farming have to be faced so with that I would say that our agriculture is in crisis,” sabi ni Balisacan.

Ang problema ng bansa aniya pa ay pinalala ng gulo sa global supply ng pagkain na inaasahan umanong magpapatuloy sa mga darating na buwan.

SM food to go Banner Ad

Mayroon na rin umanong mga bansa na plano ng limitahan ang pag-export ng pagkain upang maproteksiyunan ang kanilang mga residente sa pagtaas ng presyo nito.

“Many countries including us are going to address these realities by increasing their production,” dagdag pa ni Balisacan.

Habang pinatataas ang produksiyon ng pagkain, sinabi ni Balisacan na kailangan munang maghigpit ng sinturon ang gobyerno at tulungan ang mga mahihirap na labis na maaapektuhan ng taas-presyo. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.