Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH sumugal sa Britain bakuna kahit `di 100% epektibo

0 217

Kahit hindi pa sigurado kung maaaprubahan bilang COVID-19 vaccine, pumirma na ng kasunduan ang Pilipinas para sa bakuna ng British pharmaceutical firm AstraZeneca.

Nitong Biyernes ay nagkasundo na ang naturang pharmaceutical company at sina vaccine czar Carlito Galvez at Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion para sa 2.6 milyong dose ng dini-develop na bakuna. Ito’y kahit pa 70 percent lang ang efficacy rate ng nasabing vaccine.

Paliwanag ni Concepcion, sugal ang aabot sa P626M na downpayment para sa bakuna, ngunit kinakailangan itong gawin para sa posibleng solusyon kontra COVID-19

“We definitely are putting our bet. There is a risk but the potential solution to the economy definitely outweighs the risk,” saad ni Concepcion. Aniya, desperado na ang pribadong sektor na wakasan ang pandemya at makabalik sa normal ang ekonomiya. Nabatid na tutulong sa gobyerno ang mga bilyonaryong Pinoy para sa pagbili ng bakuna kontra COVID. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.