Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PH susuplayan ng 5 vaccine manufacturer

0 307

Nakapagsara ng supply deal mula sa limang COVID-19 vaccine manufacturer ang Pilipinas.

Base sa pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. nitong Sabado, naselyohan umano ang pag-supply ng bakuna sa bansa ng mga vaccine manufacturer na Sinovac, AstraZeneca, Moderna, Novavax at Gamaleya Research Institute.

Hindi naman naisasara pa ang supply agreement para sa Janssen vaccine ng Johnson & Johnson.

Sa ngayon ay umorder na ang gobyerno ng 25 milyong dose ng Sinovac vaccine, 13 milyong dose ng Moderna, 20 milyong dose ng Sputnik V at 45 milyong dose ng Novavax.

Samantala, nasa 2.4 milyong dose aniya ng Pfizer vaccine ang nasiguro sa pamamagitan ng COVAX Facility at inaasahang idideliber na rin.

Samantala, tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga healthcare worker sa bansa.

“`Pag pinag-usapan po `yong priority sector natin na healthcare workers, we have enough. Actually, sila nga po `yong inuna natin and we have enough vaccines for them,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing nitong Sabado.

Subalit may mga healthcare worker na hindi pa aniya pumipirma para mabakunahan sila dahil mayroon pang nag-aatubili kung magpapaturok kontra COVID-19. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.