Abante Tonite Interactive

PH top 15 internet users sa mundo

By
21

Pasok sa top 15 ang Pilipinas sa may pinakamaraming gumagamit ng internet sa buong mundo matapos maitala na umaabot sa 54 milyong Pinoy ang nag-i-internet.

Ito ang nabatid kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., base sa pinakahuling datos ng internet ­users sa buong mundo noong Marso 2017 kung saan lumabas na 54 million Pinoy ang gumagamit ng internet o katumbas ng 52% ng populasyon ng Pilipinas.

Base sa inilabas na datos ni Campos mula International Telecommunication Union (ITU) ang China ang numero uno dahil umaabot sa 731.4 milyong Chinese ang gumagamit ng internet.

Gayunpaman, sa kabila ng pagdami ng mga Pinoy na umaasa sa internet ay dehado, aniya, ang mga ito dahil napakabagal ng internet service sa bansa na umaabot lamang sa 5.5 Mbps average connection speed at pinakabagal sa Asia pacific region dahil sa Thailand, aniya, ay may 16 Mbps, 9.5 Mbps sa Vietnam, 8.9 Mbps sa Malaysia at 7.2 Mbps sa Indonesia.